Isusulong ang eksklusibong karapatan ng mga maliliit na mangingisda sa mga munisipal na pook-pangisdaan at baybayin
- Kikilalanin ang karapatang makapangisda ng mga maliliit na mangingisda sa 15-kilometrong munisipal na pangisdaan.
- Ipaglalaban ang karapatan sa panirahan sa mga baybaying-dagat at lawa. Ipagbabawal ang demolisyon at iba pang tipo ng sapilitang pagpapalikas sa mga mangingisda.
Pagbuwag sa monopolyo-kontrol ng mga malalaking negosyo at dayuhan sa pook-pangisdaan
- Mahigpit na ipagbabawal ang mga komersyal na pangisdang may bigat na 3.1 gross tons pataas sa mga munisipal na pangisdaan. Kabilang dito ang mga mapanirang paraan ng pangingisda tulad ng trawl, baby trawl, sudsod, super lights, pangulong, atbp.
- Paglimita sa mga pribadong akwakultura at palaisdaan na saklawin ang mga komunal na pangisdaan. Mahigpit na ipapatupad ang 10% carrying capacity, partikular sa mga inland water, para sa mga akwakultura.
Papawiin at rerepasuhin ang mga umiiral na batas at polisiya sa pangisdaan na pahirap sa mga maliliit na mangingisda
- Isusulong ang pagpaparepaso sa mga kontra-mangingisdang batas tulad ng Fisheries Code of 1998 at mga amyenda nito. Sa minimum, ipapawalambisa ang mga mapanupil na probisyon tulad ng zoning ordinance, fishpond and foreshore lease agreement, at ang mga idinagdag na amyenda laban sa mga tinaguriang illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing na sa aktwal ay pagsupil sa mga maliliit na mangingisda.
- Ipapatigil ang importasyon ng isda na lubhang nakakaapekto sa lokal na mga mangingisda. Sa halip, pauunlarin ang lokal na produksyon at aabandunahin ang mga polisiyang lumilikha ng artificial shortage katulad ng mga walang batayang fishing ban at closed season. Pauunlarin rin at itataguyod sa mga lokal na palengke ang iba’t ibang klaseng isda na alternatibo sa karaniwang inaangkat tulad ng galunggong, bonito, mackerel abtp.
Kikilalanin ang mga batayang karapatan ng mga manggagawa sa mga barkong palakaya at malalawak na palaisdaan
- Papawiin ang mga di-pantay na kaayusan sa mga malalaking barkong palakaya at malalawak na palaisdaan na mapagsamantala sa mga manggagawang mangingisda.
- Isusulong ang seguridad sa paggawa (security of tenure) at iba pang benepisyo para sa mga manggagawang mangingisda.
- Papawiin ang di-pantay na hatian
Papawiin ang mapagsamantalang sistema ng konsignasyon at di-makatwirang presyuhan sa mga produkto ng mangingisda
- Itutulak ang pamahalaan, sa pamamagitan ng DA-BFAR, na tupdin ang mandato nitong direktang bilhin ang produkto ng mga mangingisda sa makatwirang halaga
Ipapatupad ang balanse at sustenableng pangingisda at pangangalaga sa kalikasan
- Mahigpit na ipagbabawal ang mga mapanirang proyekto tulad ng reklamasyon, dredging, offshore mining, at lahat ng anyo ng kumbersyon at pribatisasayon.
- Ipagbabawal ang mga mapanirang pamamaraan ng pangingisda (cite illegal methods)
- Masusing pag-aaralan ang pagpapatupad ng mga marine protected area at marine sanctuary na hindi sasagka sa kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda.
- Kokonsultahin kapwa ang mga mangingisda at progresibong siyentista sa kung anong mga lugar ang nararapat na isailalim sa MPA.
Pagpapalakas ng lokal na produksyon sa pamamagitan ng sistematikong suporta ng estado lalo sa panahon ng kalamidad at iba pang pang-ekonomikong krisis
- Maglalaan ng karampatang pondo para sa subsidyo sa mga mangingisda sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, Habagat, at iba pang krisis pang-ekononiko tulad ng inflation
- Hindi bababa sa P15, 000 production subsidy kada buwan na hindi makapalaot, para maibsan ang nawalang kita ng mangingisda. Nakabatay ang halaga sa average na kita ng isang mangingisda sa kada buwan
Nagsasariling patakarang panlabas
- Itataguyod ang patakarang panlabas na nagsasarili at hindi nakasandig sa dayuhan.
- Isusulong ang pagbaklas sa mga makaisang-panig at makadayuhang kasunduang pangkalakalan, pang-ekonomiya, at pangmilitar na nagtatali sa Pilipinas sa dikta ng dayuhan
Isusulong ang proteksyon ng mga Pilipinong mangingisda sa ating teritoryal na pangisdaan, mula sa pang-aabuso ng mga dayuhan.
Sources: https://makabayan.ph/ronnel-arambulo/
National Vice Chairperson, PAMALAKAYA – 2023 onwards
Barangay kagawad – Malakaban – 2013-2019
Chairperson, Anakpawis – Rizal – 2012
Chairperson, Anakpawis – Binangonan – 2010
PAMALAKAYA – 2007 onwards
Anakbayan – 2005-2006
Sources: https://makabayan.ph/ronnel-arambulo/