Doringo

Eufemia Pet "Nanay Mimi"

Makabayang Koalisyon ng Mamamayan

Katiyakan sa paninirahan – Gobyerno ang nagpaparami ng homeless!

  • Ipapatigil natin ang demolisyon at sapilitang pagpapalayas sa maralitang Pilipino mula sa kanilang mga tahanan. Gagawa tayo ng hakbang para sa tunay na disente, pang-masa at abot-kayang pabahay ng gobyerno. Una ang tao at komunidad, hindi ang mga malalaking proyektong pang-komersyo!

Disenteng kabuhayan – Walang nalilikhang trabaho ang gobyerno!

  • Itataguyod natin ang kapwa manininda, drayber, manggagawa, labandera, rider at iba pa, na magkaroon ng trabaho na sasapat sa pamilya.

Murang bilihin – Ang mahal ng bilihin sa palengke, tulala ang gobyerno!

  • Kokontrolin natin ang presyo ng bilihin habang tinitiyak na di nalulugi ang mga vendor. Usigin natin ang mga kartel at maglaan tayo ng subsidyo para sa mabawasan ang presyo, hindi para sa bulsa ng mayayaman at kurakot!

Ayuda at suporta tuwing may sakuna – Mahihirap ang kawawa sa bagyo’t baha, kapos ang tugon ng gobyerno!

  • Imbis na panay flood control at seawall na maya’t maya nabibiyak, gumawa tayo ng naka-ayon sa kalikasan at mas matibay na pangkontra sa baha. Hindi natin babaratin ang ayuda sa kapwa maralita na taon-taon nabibiktima ng matinding kalamidad!

Nanay Mimi Doringo, kapwa mo para sa pagbabago!

  • Huwag na tayong umasa sa parehong mga mukha, mga mayayaman at walang pake sa ating mahihirap. Dito tayo sa kapwa natin, na magsusulong ng interes ng kagaya natin at lalaban sa kabulukan, katiwalian, pagiging tuta sa dayuhan ng mga trapo at dynasty.

Sources: https://makabayan.ph/mimi-doringo/

Secretary-General ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)

Pambansang Tagapagsalita ng Kadamay (2018)

Sources: https://makabayan.ph/mimi-doringo/

Scroll to Top