Labanan ang kurapsyon, busisiin ang lahat ng budget para magkaroon ng access sa iba't ibang social services
Kalusugan
- Sapat na benipisyo ayon sa kontribusyon at gawing prayoridad ang budget para sa kalusugan
Edukasyon
- Pag-invest sa sektor ng edukasyon at mga guro
Lakas Paggawa
- Suporta sa mga manggagawa kabilang ang mga OFW, tungkol sa kanilang mga karapatan at benepisyo
Citizens Participatory Audit
- Para mas lalo pang mabantayan ang pera ng bayan
Palakasin ang public Financial Management Act
- Ito’y upang tiyaking malinaw, tapat, at may pananagutan ang paggamit ng pondo– mula koleksyon hanggang paggasta– upang walang nasasayang, walang nananakaw, at walang napupunta sa bulsa ng iilan
Audit Recommendations na may resulta: Gawin itong batas, hindi lang reklamo
- Ang mga policy recommendations ng mga auditor at ang mga natutuklasang anomalya ay agad na may karampatang aksyon at pinagbubunga ng bagong batas.
Wakasan ang overpricing at ghost projects: higpitan ang procurement act
- Higpitan ang mga batas para masigurong makatarungan, transparent, at makatao ang pagkuha ng produkto’t serbisyo. Dapat mawala ang mga maniobra ng tiwaling opisyal na nagdudulot ng lugi sa taumbayan..
Isang database, mabilis na aksyon: palakasin ang COA, ombudsman, at iba pang integrity institutions!
- Interagency coordination sa COA, Ombudsman, at iba pang integrity institutions para sa mas transparent na data-sharing at mas mabilis na mga imbestigasyon.
Badyet ang lifeblood ng bayan: dapat makatarungan at makatao ang alokasyon
- Tiyaking bawat pisong ginagastos ay direktang nagpapabuti ng buhuay ng taumbayan.
- Ang badyet ay dapat na hindi lamang pabor sa mga nasa kapangyarihan kundi tunay na nagsisilbi sa interes ng kabataan, mga marginalized sectors, at iba pang hindi madalas naririnig sa proseso ng pagbuo ng pambansang pondo.
Sources: https://heidimendoza.com/platforms/
Commissioner, Commission on Audit
Undersecretary General, Office of Internal Oversight Services, United Nations
Sources: https://heidimendoza.com/about-heidi/