Ramos

Danilo Hernandez

Makabayang Koalisyon ng Mamamayan

  • Paunlarin ang kanayunan sa buong bansa at bigyan ng prayoridad ang kagalingan at interes ng mga magsasaka at masang anakpawis.
  • Libreng ipamamahagi ang lupa sa mga nagbubungkal, bilang pagkakamit ng katarungang panlipunan. Isulong ang tunay na reporma sa lupa at planuhin ang pagpapatupad ng pambansang industriyalisasyon.
  • Imodernisa ang agrikultura para maging sustenable, paunlarin ang mga rural industries at abutin ang sariling kasapatan sa pagkain ng bansa.
  • Iangat ang kita at kabuhayan ng mga magsasaka, manggagawang agrikultural, at mangingisda ng bansa
  • Tiyaking maipatupad ang libre at sapat na sistema ng irigasyon, pasilidad para sa post-harvest, at suporta para sa pagbebenta, presyo at produksyon.
  • Matigil ang malawakang kumbersyon ng lupa at tanim. Proteksyon at preserbasyon ng mga lupaing agrikultural, lalo na ang nakalaan sa pagkaing butil (rice and corn).
  • Protektahan ang lokal na agrikultura mula sa import at smuggling. Palakasin ang lokal na produksyon ng mga pagkain nang hindi umaasa sa importasyon. Ibaba ang presyo ng bigas, maging sapat, aksesible at ligtas para sa taumbayan.
  • Isusulong ang pagpapaunlad at proteksyon sa industriya ng poultry at livestock ng bansa.
  • Subsidyo para sa produksyon at karampatang kompensasyon para sa magsasaka, mangingisda at manggagawang agrikultural na biktima ng kalamidad (natural at man-made calamities).
  • Mapatigil ang mapanira at mapaminsalang proyekto ng pagmimina at megadams.
  • Isulong ang likas kayang pagsasaka (sustainable agriculture), pangangalaga at pagpaparami ng tradisyunal na binhi na hindi nakapakete sa mapaminsalang kemikal. Adbokasiya sa panawagang “No to GMOs sa bansa.
  • Paggalang sa karapatang pantao, karapatan sa pagbubuo ng samahan, at mawakasan ang impunidad.

Sources: https://makabayan.ph/danilo-ramos/

kasaluyang tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

naging lider ng Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan

Naging lider ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon,

Magsasaka

Sources: https://makabayan.ph/danilo-ramos/

Scroll to Top